RAFAEL'S POV "Come in." Marahan na bumukas ang pinto ng opisina ko. Pag-angat ko ng tingin, bumungad sa akin si Winona. Napakapormal pa rin niya gaya ng nakasanayan. Maayos ang pagkakatali ng mahaba niyang buhok, suot ang simpleng office attire na lalong nagbibigay-diin sa kanyang propesyonal na imahe. May yakap siyang folder sa dibdib, na para bang iyon ang nagsisilbi niyang panangga sa pagitan naming dalawa. Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Hindi ang babaeng nasa harapan ko ang unang pumasok sa isip ko kundi ang Winona na nakita ko sa condo niya. Naka-oversized T-shirt, simpleng shorts, nakasuot lamang ng tsinelas habang abala sa pagluluto sa kusina. Walang kahit anong karangyaan. Walang makeup at walang bahid ng pormalidad, doon ko siya mas nakitang maganda at mas totoo. Hindi ko namalayang ilang segundo na pala akong nakatitig sa kanya. Pakiwari ko rin hindi ako magsasawang titigan siya habang buhay. "Good morning, Sir." "Good morning, Ms. Sanchez." ganting bati
Read more