“Pag-serve lang ng drinks ang kailangan ninyong gawin. Nataon pa kasing dalawang serbidor ang absent ngayong gabi kung kailan marami ang turista,” paliwanag ni Rommie kina Yelena at Candy.“Okay, Sir. Yakang-yaka na namin iyan ni Yelena,” nakangiti namang sabi ng kaibigan niya kasabay ng pagsiko sa kanyang tagiliran na wari bang inuudyukan siyang segundahan ang mga sinabi nito.“Y-Yes, Sir. Alam na namin ang gagawin,” wika niya na.Ang Rommie na kaharap nilang magkaibigan ay ang namamahala ng bar na nasa Alta Vista Resort. Hindi na sana nila trabaho ang mag-serve pa sa naturang establisyemento. Sa hotel lamang talaga sila nakatalaga ni Candy.Ngunit malapit sa isang serbidor doon ang matalik niyang kaibigan na nakakuwentuhan pa nito kaninang umaga. Matapos nga ng shift nila para sa araw na iyon ay agad pa siyang nilapitan ni Candy upang sabihin sa kanya kung ano ang napag-usapan nito at ng kakilala nitong nagtatrabaho sa bar.Maraming tao sa Alta Vista sa linggong iyon. Dahil sa maram
Read more