ログインAgad ang pagdikit ng mga kilay ni Yelena nang makita niya si Chase na prenteng nakasandal sa isang sasakyang nakaparada sa may parking lot ng hotel na kanyang pinagtatrabahuan. Nahinto pa siya sa kanyang paghakbang at napamasid na lamang dito. Sa una ay hindi pa siya napansin ng binata. Nakatuon pa kasi ang atensyon nito sa hawak na cell phone habang nakasandal sa naturang sasakyan.After a while, Yelena continued walking. Dahil sa tuluyan niyang paglapit ay napalingon na sa kanya si Chase.“Hi...” bati nito nang makita siya.Gumanti siya ng isang ngiti rito. Katatapos lang ng shift niya sa hotel at sa muli ay naghihintay ang binata sa kanya para maihatid siya pauwi. Ang kaibahan lang, hindi sa may entrance ng hotel ito naghihintay kundi sa may parking lot.“H-Hi,” she greeted back as her stare darted to the car behind him. “K-Kaninong sasakyan iyan?”Chase stood up straight and smiled hesitantly. “I-I... I rented it.”“Rented?” pag-uulit niya.“Yes,” sagot naman nito. “Sa kakilala ni
Biglang nanlaki ang mga mata ni Yelena dahil sa paghalik na ginawa sa kanya ni Chase. Mapapasinghap pa nga sana siya ngunit dahil sa sakop na nito ang kanyang bibig ay nakulong na lamang sa kanyang lalamunan ang marahang tunog na lalabas sana mula sa kanya.Hindi niya nagawang kumilos. Ni hindi siya nakatugon sa halik nito. Ang tanging nagawa niya lamang ay ang ilapat ang kanyang mga palad sa matitipuno nitong dibdib. Yelena didn’t know if it was meant to push him. She knew she had to push and make him stop. But instead, Yelena just found herself feeling weak as his lips touched hers.Ilang saglit na tumagal ang pagkakadaiti ng mga labi ng binata sa kanya. Sa una ay hindi rin ito halos kumikilos. Wari bang pinakikiramdaman din ang magiging reaksyon siya sa paghalik na ginawa nito. And because Yelena didn’t even make a move, Chase thought that she wasn’t protesting at all.Dahilan iyon para magsimulang gumalaw ang mga labi nito. His lips were now gently caressing hers. Banayad at puno
Naging opisyal na nga ang relasyon nina Yelena at Chase sa kabila ng hindi pa natatagalan mula nang magkakilala silang dalawa. What happened between them was a whirlwind romance. Maging siya man ay hindi makapaniwalang tuluyan siyang mahuhulog sa lalaking kamakailan niya pa lamang nakikilala.Nevertheless, Yelena didn’t regret giving him a chance to become a part of her life. Naging masaya siya mula nang maging nobyo niya ang binata. Nananatili pa rin ito sa Alta Vista at nang maging sila nga ay ramdam niyang mas naging maasikaso ito sa kanya. Patuloy pa rin ito sa pagpapadala ng pagkain sa kanya na halos walang palya araw-araw. Madalas din siya nitong ihatid pauwi sa tuwing pagkatapos ng shift niya sa hotel.Alam na rin ng kanyang ina at mga kapatid na kasintahan niya na si Chase. Dama niya namang masaya para sa kanya ang kanyang pamilya at maayos nga ang pakikitungo ng mga ito sa binata, lalo na ang kanyang ina. Kita niya rin ang paggalang ni Chase sa pamilya niya, bagay na pakiramd
Matuling lumipas ang mga araw mula nang personal na ring makilala ni Chase ang kanyang pamilya. Ilang beses ding naulit ang pagpunta nito sa kanilang bahay upang bisitahin siya kahit pa nagkikita naman sila sa resort. Nalaman na rin ng kanyang ina’t mga kapatid na nanliligaw sa kanya ang binata, bagay na wala siyang narinig na pagkontra mula sa mga ito. Ang tanging bilin lang sa kanya ng kanyang ina ay ang kilalanin muna ito at timbangin nang lubusan ang kanyang nararamdaman.Mas naging pursigido na rin si Chase sa pagpapakita ng intensiyon nito sa kanya matapos nitong makilala ang kanyang pamilya. Before, she could still feel that he was allowing some space between them. Ni hindi ito nagpupumilit na lumapit talaga sa kanya, marahil ay dahil na rin sa alam nitong naaalangan pa siya sa presensiya nito.Ngayon, talagang gumagawa na ito ng paraan para magkakilala pa talaga silang dalawa. He would really make a move to see her even during working hours. May ilang pagkakataon pa ngang sina
Mula sa marahang paglalakad ay biglang nahinto si Yelena nang basta na lamang humarang sa daraanan niya si Candy. Halata pa ang pagkahingal nito na wari bang nagmamadaling makalapit sa kanya.“Kanina pa kita tinatawag. Hindi ka man lang lumingon,” wika nito sabay titig sa kanya nang mataman. “Ang layo ng takbo ng isip mo. May problema ba? May nangyari na naman ba kay Tita Mercedes?”Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa ni Yelena bilang sagot sa mga tanong ni Candy saka ikinawit na ang kanyang mga kamay sa isang braso nito. Inakay na niya itong magpatuloy sa paglalakad bago nagwika.“Walang problema kay Mama. Ang totoo ay medyo ayos na ang pakiramdam niya dahil sa nakaiinom na ng gamot.”“So, ano ang problema? Parang wala ka sa sarili mo habang naglalakad kanina,” may bahid ng pag-aalalang usisa pa nito.Huminto ulit sa paglalakad si Yelena saka humarap kay Candy. Umaga pa lamang iyon at papasok pa lamang sila sa trabaho ngunit sa halip na tumuloy na nga sa hotel ay hindi na niya mapigi
Ang ugnayan nina Chase at Yelena ay hindi natapos sa gabing iyon. After having dinner with him, Yelena found herself having connection with him already. Madalas niya itong makita sa resort. Hindi man sila laging nag-uusap pero sa tuwing nagkakasalubong silang dalawa ay hindi maiiwasang pansinin siya ng binata. May mga pagkakataon pa ngang nilalapitan talaga siya nito upang saglit na batiin.Dumating na rin ang araw na nakatatanggap na si Yelena ng pagkain mula sa binata. Halos walang palyang araw-araw itong nagpapadala sa kanya ng makakain sa tanghalian, bagay na nagdulot na ng panunukso mula sa mga kasamahan niya sa trabaho.“Isang linggo nang may nagbibigay sa iyo ng pagkain, Yelena. May manliligaw ka na ba?” tanong ni Candy sa kanya na hindi pa maitago ang panunudyo sa mukha.Nasa may locker pa sila at gumagayak pa lamang sana patungo sa canteen para sa kanilang lunchbreak. At katulad ng sinabi ng kanyang kaibigan, sa loob ng isang linggo ay lagi siyang nakatatanggap ng pagkain na
Isang pag-ismid ang ginawa ni Yelena matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Chase. Hindi niya rin mapigilan ang pagtiim ng kanyang mukha dahil sa galit na umusbong mula sa kanyang dibdib. And she knew very well that Chase noticed it. Bagay iyon na wala siyang pakialam. Talagang nagdulot ng galit
Hindi na alam ni Yelena kung makailang ulit siyang napalunok habang magkahinang pa rin ang mga paningin nila ni Chase. Katulad niya rin itong waring natigilan nang makita siya. That alone made her realized that he wasn’t also expecting to see her there.Agad na nga siyang napaiwas ng kanyang mukha
Mula sa mga pinag-aaralang dokumento ay umangat ang paningin ni Chase nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Hindi man lang kumatok at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ang kanyang nakatatandang kapatid na si Cloud.Chase heaved out a deep sigh and stopped what he was doing. Naisandal niya
Masusing pinagmasdan ni Yelena ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin. Gusto niya pang siguraduhing maayos na ang kanyang hitsura bago lumabas ng silid. Nang waring hindi pa nga nakontento sa nakitang pagkakalagay niya ng lipstick sa kanyang mga labi ay agad niya iyong inayos. She got her red







