LOGIN“Is there something wrong?” tanong ni Chase kay Yelena nang mapuna nitong natitigilan siya. Nagdikit pa ang mga kilay nito habang pinagmamasdan siya.“You don’t need to drive me home, Mr. Serravalle. Magta-taxi na lang ako pauwi,” wika niya na agad nitong ikinailing.“No, Yelena,” salungat nito sa mga sinabi niya. “Ako ang kasama mo sa pagtungo rito. Ihahatid kita pauwi---”“I said no, Mr. Serravalle,” mabilis niyang awat sa pagsasalita nito. Sadyang nilakipan niya pa ng diin ang boses niya para makita nito ang determinasyon niyang hindi niya gustong magpahatid dito pauwi.“Why? May problema ba kung ihahatid kita pauwi?”“Walang dahilan para ihatid mo ako, Mr. Serravalle. Kaya kong umuwi mag-isa.”Natahimik si Chase. Waring may pagdududa pa ang tinging iginawad nito sa kanya. Alam niyang nagtataka ito kung bakit ganoon na lamang ang pagtanggi niyang ihatid siya nito.But her decision wouldn’t change. Buo na ang pasya niyang hindi ipaalam dito ang tungkol kay Jaxon. After everything th
“I am so sorry, Grant. Something came up and I need to stay at work until tonight. H-Hindi muna siguro matutuloy ang dinner nating dalawa,” puno ng paumanhin na saad ni Yelena kay Grant.It was five in the afternoon. Agad niya na nga itong tinawagan bago pa man ito makaalis ng FD Construction para sunduin siya sa kompanya ng mga Serravalle. Alam niya kasing mayamaya lamang ay gagayak na ito para puntahan siya katulad ng naging usapan nila kanina.Hindi niya na nga mapauunlakan ang paanyaya ng kaibigan niya na kumain sila sa labas sa gabing iyon. Ayon kasi kay Chase ay may biglaan itong appointment sa isang kliyente at bilang sekretarya siya nito ay kailangan niyang samahan ang kanyang boss.Nauunawaan niya naman ang bagay na iyon. Alam niyang trabaho niyang samahan ito minsan sa ilang lakad nito. Sadyang hindi niya lang maunawaan kung bakit hindi niya man lang alam ang tungkol sa appointment na tinutukoy ng binata. Hindi ba’t dapat ay dumaan pa rin iyon sa kanya kahit pa malapit dito
Waring mabibigat ang mga paa na naglalakad si Yelena patungo na sa Serravalle Real Estate Company. Nakababa na siya mula sa sinakyang taxi at ngayon nga ay papasok na sa naturang gusali. Hindi niya pa mapigilan ang maraming bagay na gumugulo sa isipan niya habang papunta na sa kanyang trabaho.Pangalawang araw niya pa lamang iyon sa pagtatrabaho bilang sekretarya ni Chase. Pangalawang araw pa lang pero hindi niya alam kung matatagalan niya pa ang makaharap ito. Kahapon ay hindi na nila agad maiwasan ang magsagutan. Pareho silang hindi nagawang kontrolin ang mga emosyon. At alam ni Yelena na hindi iyon ang huling beses na mangyayari iyon. Nararamdaman niyang sa mga susunod na araw ay ganoon pa rin ang magiging takbo ng mga araw nila sa kompanya.Dahil pa nga sa naging bangayan nila kahapon ay halos hindi sila magkibuan ni Chase. Nagpatuloy ang pagtatrabaho nito habang siya ay binigyan nito ng sapat na panahon para aralin ang mga nagdaang proyekto ng SREC. Kakailanganin niya raw ang mga
Mula sa tahimik at seryosong pagbabasa sa mga dokumentong ibinigay ni Faye sa kanya kanina ay marahang napaangat ng kanyang ulo si Yelena nang maramdaman niyang waring may nakatingin sa kanya. Agad pang napabaling ang kanyang mga mata sa direksyon ng papunta sa kinaroroonan ng mga elevator. There she saw someone who instantly made her to sit up straight--- si Chase.Hindi na niya alam kung gaano na katagal na nakatayo roon ang binata. Nang lumingon siya rito ay nahuli niya pa itong titig na titig sa kanya habang parang prenteng nakasandal sa sementadong dingding malapit sa kinaroroonan ng mga elevator.Agad pa ngang napatayo si Yelena sabay salansan na ng mga dokumentong inaaral niya. Halos magkandautal-utal pa siya nang bumati kay Chase.“G-Good morning, Mr... Mr. Serravalle.”The expression on his face instantly changed. Mula sa malambot na emosyong nakalarawan doon habang pinagmamasdan siya kanina, naging seryoso ito na sa ibang pagkakataon ay gusto niyang isiping may nakiraang gal
Mariing napalunok si Chase nang magtama ang mga paningin nila ng batang nakita niya sa may parking lot ng Greatminds International. Bakas ang lungkot sa mukha nito. Halata pa nga ang pagkabasa ng mga pisngi ng bata na sanhi ng pag-iyak na kung ano man ang dahilan ay hindi niya alam.Naglakad pa siya palapit dito. Nang matapat na siya sa batang lalaki ay marahan pa siyang napaupo. Chase squatted in front of him just so their faces would be level to each other. Isang masuyong ngiti pa nga ang iginawad niya rito bago siya nagsalita.“Why are you here? And why are you crying?” magkasunod niyang tanong.The boy didn’t say a word. Sa halip na sumagot sa kanya ay mataman lamang nitong pinagmasdan ang kanyang mukha.And Chase couldn’t help but to swallow hard again. Hindi niya alam kung bakit nakadarama siya ng kakaibang damdamin habang pinagmamasdan ang batang nasa kanyang harapan. Ni hindi niya nga alam kung bakit kinakausap niya ito. There was something on the boy that caught his attention
“You are not coming with me, Mama? Hindi mo po ako ihahatid sa school?” magkasunod na tanong ni Jaxon kay Yelena habang abala niyang inaayos na sa lunch box nito ang mga baon nito para sa araw iyon.It was Monday. Unang araw nga ng school year at unang araw din ni Jaxon sa Greatminds International School. Yelena was excited. Bagong milestone iyon para sa kanyang anak at sa totoo lang ay nais niya sana itong samahan sa pagpasok sa araw na iyon.But she just couldn’t. Iyon din kasi ang unang araw ng pagpasok niya sa trabaho sa Serravalle Real Estate Company at kahit gustuhin niya mang ilaan ang araw niya para sa kanyang anak ay hindi niya naman magawa. Hindi niya kasi nakausap si Chase. Hindi siya nakapagpaalam dito na liliban sa unang araw niya bilang sekretarya nito. Bagay nga iyon na ni hindi niya pa alam kung papayagan nito.Yelena heaved out a deep sigh and stopped what she was doing. Humarap siya kay Jaxon saka nagwika rito. “As much as I want to do it, I just can’t, Jaxon. Nasabi
Mula sa mga pinag-aaralang dokumento ay umangat ang paningin ni Chase nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Hindi man lang kumatok at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ang kanyang nakatatandang kapatid na si Cloud.Chase heaved out a deep sigh and stopped what he was doing. Naisandal niya
Masusing pinagmasdan ni Yelena ang kanyang sariling repleksiyon sa salamin. Gusto niya pang siguraduhing maayos na ang kanyang hitsura bago lumabas ng silid. Nang waring hindi pa nga nakontento sa nakitang pagkakalagay niya ng lipstick sa kanyang mga labi ay agad niya iyong inayos. She got her red
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yelena habang hawak-hawak niya ang pregnancy test result na nagpapakitang buntis siya. Kita nga roon ang dalawang kulay pulang guhit na nagpapatunay na may munting buhay na sa kanyang sinapupunan... na nagbunga ang relasyon nilang dalawa ni Chase.S
Isang pag-ismid ang ginawa ni Yelena matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Chase. Hindi niya rin mapigilan ang pagtiim ng kanyang mukha dahil sa galit na umusbong mula sa kanyang dibdib. And she knew very well that Chase noticed it. Bagay iyon na wala siyang pakialam. Talagang nagdulot ng galit







