LOGIN“Bakit po hindi rito natutulog si Papa Chase? Hindi ho ba dapat kasama natin siya?” magkasunod na tanong ni Jaxon na naging dahilan pa para matigilan si Yelena.Mariin siyang napalunok bago tuluyan na munang inilapag sa ibabaw ng mesa ang bandehado ng kanin na sinandok niya para sa almusal ni Jaxon. It was Wednesday. At dahil may pasok ito, heavy breakfast ang inihanda niya para sa pagpasok nito sa eskuwelahan.At hindi pa nga maiwasang matigilan ni Yelena nang marinig niya ang magkasunod na tanong ni Jaxon. Maging kay Chona na inaasikaso ang pag-aalmusal ng kanyang anak ay napasulyap din siya. Alam na ng dalaga ang tungkol sa totoong ama ni Jaxon. Pagkabalik nito mula sa day-off nang Linggong iyon ay kinuwento na niya rito ang mga nangyari. Ipinaalam na niya rito na nakilala na ni Jaxon ang totoong ama nito.And her son didn’t stop asking about Chase since he learned that he’s his father. Lagi itong nagtatanong kung pupunta ba roon ang binata. And it had been three days since Chase l
Awtomatikong naipikit ni Yelena ang kanyang mga mata nang dumampi ang mga labi ni Chase sa kanya. After a long time, he had kissed her again! Parang kahapon lang na bumalik pa sa isipan niya ang mga araw na maayos pa ang relasyon nilang dalawa. Ganoon at ganoon pa rin ang nararamdaman niya sa tuwing inaangkin ng binata ang kanyang mga labi.The same feeling... with the same man.Yelena held onto his polo tightly. Para bang doon siya umaamot ng lakas habang sakop nito ang kanyang mga labi. Sa pagkakataong iyon din niya lubos na napagtanto na hanggang sa mga sandaling iyon ay laman pa rin talaga ng puso niya si Chase. Hindi ito nawala. Hindi kailanman nawala ang nararamdaman niya para rito.She loved him still. At ang bagay na iyon ang nagbigay pa sa kanya ng rason para tumugon sa mga halik nito. Yelena started to brush her lips onto his, making her own way to taste Chase’s lips.At hindi iyon nakaligtas sa binata. Nang maramdaman nito ang pagtugon niya ay mas pinalalim pa nito ang hali
Parang pinanlamigan ng kanyang katawan si Yelena nang makita niya si Jaxon at marinig ang mga sinabi nito. Dali-dali niya na nga munang pinatay ang stove saka mabilis na nilapitan ang kanyang anak.“J-Jaxon, anak---”“Narinig ko ang mga sinabi niya, Mama,” saad nito dahilan para matahimik siya.Nakalapit na siya rito. She even squatted in front of him to make their faces level to each other. At dahil nga may kasiguraduhan sa tinig ni Jaxon na narinig nga nito ang mga sinabi ni Chase ay marahan na lamang na nahawakan ni Yelena ang mga kamay ng kanyang anak.“Listen to me, baby. It’s just that---”Ano mang sasabihin niya kay Jaxon ay agad nang naawat nang maramdaman niya ang paglapit sa kanila ni Chase. Nasa likuran na niya ito na nagdulot pa sa kanya ng pagkailang. Ramdam na ramdam niya kasi ang presensiya nito na kung lilingon lang siya rito ay alam niyang madadaiti na siya sa mga binti ng binata.“Will you promise to listen to us, buddy?” wika ni Chase sa mahinahong tinig. “Maaari mo
Kanina pa parang wala sa sarili si Yelena habang hinahalo niya ang mga ingredients na gagamitin niya para sa lulutuing pancake. Iyon ang napagpasyahan niyang gawin para sa meryenda ni Jaxon. Nailagay niya na nga sa iisang bowl ang mga kailangan niya at hinahalo-halo na lamang iyon bago magsimulang magluto.Pero parang wala sa ginagawa ang atensyon ni Yelena. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang mga nangyari nang isang araw.She just found out that Mariel Abrera was her aunt. Parang hindi niya mapaniwalaan na kapatid nga ito ng kanyang ama. At hindi lang ang bagay na iyon ang tumatakbo sa isipan niya. Hindi lang iyon ang inaalala niya.Mariel was asking her to take over on Gallego’s family business. Posisyon daw iyon na dapat ay ang kanyang papa ang hahawak noon. Bagay na hindi lang nito nagawa dahil sa mas pinili nito ang kanyang ina. Ngayong wala na ang kanyang ama ay silang magkakapatid ang legal na tagapagmana ng lahat ng minana rin ng kanilang a
“Yes, Yelena,” sagot ni Mariel sa naging tanong ni Yelena kanina. May isang masuyong ngiti pa ito sa mga labi habang titig na titig sa kanya. “Tama ang narinig mo. Isa akong Gallego. My surname, Abrera, is from my husband.”“W-Why... I-I mean...”Hindi niya matuloy-tuloy ang nais sabihin. Pinaglipat-lipat niya na lamang ang kanyang paningin dito at kay Chase. May nagtatanong na ekspresyon sa kanyang mukha at dahil doon ay agad nang nagwika ang binata.“Why don’t we talk about it inside my office, Tita Mariel... Yelena?” anito na agad pa siyang hinawakan sa kanyang kanang braso.Yelena didn’t protest when Chase guided her to walk. Hinayaan niya itong hawakan siya dahil sa totoo lang ay mas na kay Mariel Abrera ang kanyang atensyon.Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin ng mga ito sa kanya. Dama niyang hindi lang basta kaapelyido niya ang ginang. Konektado ba sila sa isa’t isa? Kamag-anak niya ba ito?“Take a seat, Yelena,” narinig niyang udyok ni Chase na inaakay pa sana siya palap
Kanina pa nakaparada ang sasakyan ni Chase sa harap ng bahay ng kanyang mga magulang. Nakatitig lang siya roon habang mahigpit pang nakahawak sa manibela ng kanyang kotse. Ni hindi niya pa mapagpasyahan kung tuluyan bang bababa para pumasok sa loob o umalis na lang at huwag nang humarap sa kanyang ama’t ina.It was already past seven in the evening. Naroon siya dahil sa iisang rason at iyon ay ang kausapin ang kanyang Daddy Benjamin.Napupuno ng galit ang dibdib niya. Matapos niyang malaman ang lahat tungkol sa pagkakaroon niya ng anak kay Yelena, wala siyang ibang naramdaman kundi pagsisisi at panghihinayang. He regretted leaving her... he regretted following his father’s order. Kung sana ay naging katulad na lamang siya ng kapatid ng kanilang Tita Mariel. He should had risked everything and chose Yelena. Magagawa niya naman sigurong bigyan kahit simpleng buhay ang dalaga. Ang mahalaga ay magkasama silang dalawa.But it was too late to regret now. Lumipas na ang limang taon at hindi
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Yelena habang hawak-hawak niya ang pregnancy test result na nagpapakitang buntis siya. Kita nga roon ang dalawang kulay pulang guhit na nagpapatunay na may munting buhay na sa kanyang sinapupunan... na nagbunga ang relasyon nilang dalawa ni Chase.S
Isang pag-ismid ang ginawa ni Yelena matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Chase. Hindi niya rin mapigilan ang pagtiim ng kanyang mukha dahil sa galit na umusbong mula sa kanyang dibdib. And she knew very well that Chase noticed it. Bagay iyon na wala siyang pakialam. Talagang nagdulot ng galit
Hindi na alam ni Yelena kung makailang ulit siyang napalunok habang magkahinang pa rin ang mga paningin nila ni Chase. Katulad niya rin itong waring natigilan nang makita siya. That alone made her realized that he wasn’t also expecting to see her there.Agad na nga siyang napaiwas ng kanyang mukha
Mula sa mga pinag-aaralang dokumento ay umangat ang paningin ni Chase nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. Hindi man lang kumatok at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ang kanyang nakatatandang kapatid na si Cloud.Chase heaved out a deep sigh and stopped what he was doing. Naisandal niya







