SCARLET POVHabang kinukuha ko ang folder mula sa lamesa ni Draven, sobra-sobra ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib. Sa unang tingin, para lang ito sa isang maintenance waiver para sa mansyon. Pero sa likod ng mga pahinang iyon ay ang tunay na dahilan kung bakit kailangan kong makuha ang pirma ni Draven. 'Voluntary Relinquishment of Custody Agreement.' Isang kasunduan na malinaw na nagsasaad na kusang isinusuko ni Draven ang anumang karapatan niya sa custody, guardianship, at parental decision-making tungkol sa isang batang maaari niyang i-claim na anak sa hinaharap. Sa pagkakataong iyon, hindi pa niya alam kung sino ang tinutukoy ng dokumento. Kung sakaling malaman niya ang tungkol kay Beatrice, hindi ko na kailangang makipag-away o ipaglaban ang karapatan ko sa aking anak. May pirma na siya. At kapag naisagawa nang maayos ang lahat, hindi na niya basta-basta mababawi ang desisyong iyon. Isa itong pagtataksil sa tiwala niya, pero kung hindi ko ito gagawin, mahihirapan ako a
Baca selengkapnya