SCARLET POV Kinabukasan, naisipan kong pumunta sa clinic ng matandang doktor na nag-diagnose sa akin sa ceremony kahapon. Pagpasok ko, agad akong nilapitan ng receptionist. “Good morning, Ma’am. May appointment po ba kayo?” Ipinakita ko sa kanya ang calling card na ibinigay ng doktor. Binasa niya iyon bago tumango. “Ah, okay po, Ma’am. This way po kay Doctora Mendez.” Sumunod ako sa kanya. Maliit lang ang clinic, pero maayos at malinis. Sa kabilang room, may ilang pasyenteng naghihintay. Tahimik ang lugar, malayo sa ingay ng event kahapon. Nang makarating kami sa isang pintuan, kumatok ang receptionist. “Doc, nandito na po si Ma’am Scarlet.” “Papasukin mo.” Binuksan niya ang p***o at pinauna niya ako. Nakita ko agad ang matandang doktor na nakausap ko kahapon. Nakaupo siya sa kanyang lamesa habang inaayos ang salamin. Pagkakita niya sa akin, ngumiti siya. “Scarlet. Mabuti at nakapunta ka.” Umupo ako sa tapat niya. “Nag-aalala kasi ako sa sinabi mo kahapo
Read more