Chapter 52- Pre-bidding conference SCARLET'S POV Maaga pa lang, puno na ng mga mamahaling sasakyan ang harapan ng Manila Shangri-La. Mula sa loob ng kotse, nakita ko ang sunod-sunod na pagdating ng mga negosyante, opisyal ng gobyerno, at foreign investors na inimbitahan para sa pre-bidding conference ng National AI Healthcare project. Halos lahat ng dumarating ay pamilyar sa akin ang mga mukha. Madalas na silang lumalabas sa mga balita kapag may malalaking kontrata, bagong investment, o negosyong pinag-aagawan ng mga malalaking kumpanya. Pagpasok ko sa ballroom, sinalubong ako ng mahinang tugtog at ingay ng mga taong abala sa pakikipag-usap. Sa ilalim ng malalaking chandelier, nagtitipon ang mga kinatawan ng iba't ibang kumpanya habang ang ilang staff ay nag-aasikaso ng mga dokumento para sa mangyayaring programa. Napansin ko agad ang grupo ng Morris Group. Kasama sina Julian, Damian, at Lucas na kasalukuyang nakikipagkamay sa mga dumarating na bisita. Hindi kalayuan sa kanila,
Read more