SCARLET’S POV Kinabukasan, pagmulat ko pa lang ng mata ko, ramdam ko na agad ang sakit sa buong katawan ko. Masakit din ang balikat ko, likod ko, pati mga binti ko. Parang gusto kong maghapon na lang nakahiga. Pero hindi puwede. May trabaho ako. Kaya kahit hindi maganda ang pakiramdam ko, bumangon pa rin ako, nag-ayos, at pumasok sa PHPD. Pagdating ko sa office, hindi na ako nag-aksaya ng oras. I spent the entire morning working. Reports, research updates, financial projections, expansion plans. Isa-isa kong inayos ang mga kailangan kong tingnan. Kahit ilang beses akong bumahing, hindi ko hinayaang makaistorbo iyon sa trabaho ko. “God bless you.” Napatingin ako kay Alejandro. “Thanks.” sabi ko na lang. “Kanina ka pa bumabahing,” sabi niya habang nakatingin sa akin. “May sakit ka ba?” “Hmm... Medyo.” “Medyo?” Tumango ako. “Sipon lang.” Napailing siya. “Hindi ka talaga marunong magpahinga, no?” “Marunong naman.” “Hindi talaga halata.” Napangiti ako nang kaunti
Read more