ELISA’S POV “Yes, Ate Zane. Uuwi si Mama,” wika ko sa aking anak na babae ng tawagan niya ako para tanungin kung makakauwi ako ngayon. “Okay po, Mama. Hindi pa po kami matutulog ni Kuya ng maaga. Hintayin ka po namin,” sagot niya sa akin. “Sige. Hindi naman ako gagabihin dahil aalis ako dito ng maaga. Baka nandiyan na ako ng alas otso o lagpas pa,” sagot ko. “Okay po, Mama. Ingat ka po, ha,” wika ni Zane sa akin. “I will, Ate Zane,” sagot ko. Nagpaalam naman na siya sa akin. At nang matapos ko namang makausap ang aking anak ay inayos ko ang aking bag na dadalhin ko sa aking pag-uwi. Dinala ko din ang ilang labahin ko at doon ko na lang lalabhan sa amin pag-uwi. At nang matapos ako ay nagtungo na din ako sa banyo para maligo. Hindi naman ako masyado nagtagal sa paliligo dahil nang matapos ako ay agad akong nagbihis. Tiningnan ko nga din ang oras at nang makita kong alas sais na ay naghanda na din ako paalis. Nagdalawang isip pa nga ako kung magpapaalam ako kay Rage p
Read more