ELISA'S POV "Elisa," sambit muli ni Jasper sa aking pangalan nang masiguro niyang ako ang nakikita niya. Napansin ko nga din ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang maglakad siya palapit sa amin. Hindi ko nga din napigilan mapangiti habang nakatingin ako kay Jasper. Hindi ko din kasi inaasahan na makikita ko siya dito. Huling pag-uusapan kasi namin na dalawa ay noong magkita kami sa opisina ni Rage. "What are you doing here, Elisa?" tanong ni Jasper sa akin ng tuluyan siyang nakalapit. Halos hindi nga din niya maalis ang tingin sa aking mukha. Sa halip naman na sumagot ay saglit kong sinulyapan si Rage na seryoso ang ekspresyon ng mukha. Bubuka na sana ang bibig ko para magsalita nang mapatigil ako ng unahan ako ni Rage. "Sinama ko siya dito," sagot ni Rage dito. "You're joining the charity auction, Rage?" So, the event Rage and I attended was a charity auction. "Let's just see," nababagot na sagot niya kay Jasper. Parang wala siyang balak na sumali. Pero bakit nagpu
Read more