Pagkatapos magbihis ay lumabas na rin ng bahay si Astrid. Naisipan niyang maglakad na lang kaysa magdala ng sasakyan since walking distance lang naman ang grocery store sa kanila pati na rin ang palengke. Maaga pa naman kaya naisip niya na magandang exercise na rin ito para pagpawisan siya.Ang una niyang pinuntahan ay ang palengke, mga limang kanto ang layo mula sa bahay nila. Bumili muna siya ng mga fresh na gulay, prutas, at karne. Pagkatapos ay nagtungo na siya sa supermarket na malapit lang rin sa kanila. Mga tatlong kanto lang ang layo mula sa bahay nila.Doon na siya namili ng mga canned goods, noodles, saka mga frozen foods tulad ng hotdogs, sausages, chicken nuggets, at boneless bangus. Mostly para sa bata. Bumili na rin siya ng mga biscuits at chips dahil mahilig doon si Ashton.“I think okay na ’to,” saad niya sa sarili saka nagtungo na sa cashier.Matapos bayaran ang lahat ng pinamili niya, inayos ng cashier ang mga grocery sa ilang paper bags. Hindi niya namalayan na halo
Read more