Tahimik ang buong bahay nang umagang iyon.Pagkatapos ng ilang araw na puno ng pag-aalala, takot, at pagod, sa wakas ay nakumbinsi nina Xavian at Fiona si Astrid na muling magpatingin kay Dr. Reyes. Hindi man tuluyang nawala ang pangamba sa mga mata ni Astrid, pumayag siyang humingi ng tulong dahil sa pangakong hindi siya iiwan ni Xavian.Ngunit habang abala ang lahat sa pag-aasikaso sa kalagayan ni Astrid, may isang taong tahimik lamang na nagmamasid sa kanila. Si Ashton. Limang taong gulang pa lamang ang panganay nina Astrid at Xavian. Sa edad na iyon, hindi pa niya kayang unawain ang lahat ng nangyayari sa kaniyang pamilya. Hindi niya alam kung bakit madalas umiiyak ang kaniyang mama, kung bakit minsan ay natatakot ito sa mga bagay na hindi niya nakikita, o kung bakit palaging pagod ang kaniyang papa.Ang alam lamang niya, hindi na katulad ng dati ang kanilang tahanan.Dati, tuwing umaga, si Astrid ang unang gumigising upang ihanda ang kaniyang almusal. Siya rin ang nagsusuklay sa
Magbasa pa