Niyakap ni Elowen ang matanda ng sobrang higpit. "Salamat, Manang Rosa. Pero simula ngayon, wag mo na akong tawaging Ma'am. Elowen na lang po. At saka nga pala, yung kwarto sa tabi ng playroom ni Elara, sa'yo na 'yon. Pinabili ko na rin 'yon ng bagong kama at TV para komportable ka."Nanlaki ang mga mata ni Manang Rosa. "Naku, Elowen! Hindi po pwede! Kasambahay lang po ako, doon na lang po ako sa maliit na maids' quarters sa likod—""Hep. Wala nang pero-pero," nakangiting putol ni Elowen. "Pamilya na ang turing ko sa'yo, Manang Rosa. Kung anong kinakain namin ni Elara, yun din ang kakainin mo. Kung anong kama ang hinihigaan namin, ganun din sa'yo. Deserve mo lahat ng kabutihan sa mundong 'to."Napahagulgol na naman si Manang Rosa sa sobrang pasasalamat. *Napakabuti mo talaga, Elowen. Kahit anong gawin nilang pananakit sa'yo, hindi nila nagawang sirain ang ginintuan mong puso.”Kinabukasan, naging maayos ang pagbisita nila kay Grandpa sa St. Luke's Medical Center. Kahit nanghihina dahi
Read more