Kinahapunan, dumating ang matalik na kaibigan ni Elowen na si Paloma. Habang tahimik na naglalaro ng blocks si Elara sa carpet, ikinwento ni Elowen ang narinig niya.Halos maibuga ni Paloma ang iniinom niyang kape. "Wait, hold up. Are you kidding me?!"pasigaw na reaksyon ni Paloma habang diring-diri ang mukha. "Si Beatrice? Nakikipag-landian doon sa bobong anak ng Ardales family?! Pinalayas na nga siya ni River sa mansyon, tapos ngayon, naghahanap ng bagong sugar daddy? Kapal ng mukha ah!""She's playing both sides, Paloma," malamig na komento ni Elowen. Hinawakan niya ang porcelain cup ng mariin pero kalmado. "She's always been smart. Mas matalino kaysa sa akin noon. Nagpapaawa kay River, habang ginagawang back-up plan ang pera ng mga Ardales."Tinitigan ni Paloma ang kaibigan. Alam niya kung gaano nagbago si Elowen. Ang dating babaeng handang lunukin ang lahat ng sakit para lang sa pag-ibig ay namatay na limang taon na ang nakakalipas. Ang nasa harap niya ngayon ay palaban, ,malami
Read more