Sa loob ng isang taong pagsasama nila bilang mag-asawa, naging isang malamig na impyerno ang buhay ni Elowen. Para kay River, hindi siya isang asawa na kailangang mahalin, protektahan at alagaan. Isa lamang siyang laruan na ginagamit para pagbayaran ang isang kasalanang hindi naman niya ginawa. At ngayong gabi, mas napatunayan niyang mas nakakatakot ang mismong presensya at galit ni River kaysa sa anumang pananakit na kaya nitong gawin sa kanya. Pagkatapos ng lahat, malamig itong tumayo at nagbihis. Gusot-gusot ang kaluluwa at pagkatao ni Elowen, nanginginig ang mga binti at halos hindi makatayo mula sa malamig na sahig ng banyo. Samantalang si River? Perpekto pa rin ang pagkakasuot ng mamahaling suit nito, ni walang bahid ng gulo.Habang nangyayari iyon, sa kabilang kwarto ng exclusive VIP club, puno ng tawanan ang mga taong naroon. "I'm telling you, Pare, ibang klase 'yang si Elowen!" malakas na halakhak ni Mr. Del Hamor habang hawak ang mga baraha, ang matabang mukha nito ay nam
Read more