Sa basement parking, hindi mapakali ang assistant na si Mateo.Takot na takot itong magwala na naman ang baliw niyang boss kaya mabilis siyang tumakbo papasok ng building para sundan ito! Samantala, papasok pa lang ng powder room si Elowen nang marinig niya ang malalakas na yabag sa likuran niya. Bago pa siya makalingon, isang matangkad na anino ang humarang sa pintuan. Nang mag-angat siya ng tingin, bumungad sa kanya ang desperado at pulang-pulang mukha ni River.Dahil wala siyang suot na maskara, kitang-kita ng bilyonaryo ang perpekto, makinis at napakagandang mukha ng kanyang asawa. Ang mukhang matagal na niyang napapaniginipan. Parang sasabog ang dibdib ni River. Gusto niya itong yakapin, gusto niya itong ikulong sa mga bisig niya at wag nang pakawalan kailanman! Humigpit ang pagkuyom ng mga kamao niya para pigilan ang sarili.Tiningnan siya ni Elowen nang may purong lamig at inis, mayamaya pa’y humalukipkip ang dalaga."Mr. Samaniego," malamig at pormal na asik ni Elowen. "Wag mon
Read more