Dahil sa panggigigil, sumandal si River sa silya niya. Ang dating nag-aalalang lalaki ay napalitan ng malamig at walang-awang bilyonaryo. Tumingin siya nang diretso kay Elowen."Ito lang ang options mo, Elowen," malamig na banta ni River. "Makipag-partner sa akin o maging kaaway ng Samaniego Group. Choose."Natigilan si Raymond. Kahit si Elowen, lihim na napalunok. “Kaya pala ang taas ng narating ng lalaking 'to. Ang ruthlessness niya, hindi mapapantayan ni Raynold!” sa isip ng binata. Dahil ayaw niyang maging kalaban ang Samaniego Group, ngumiti na lang si Elowen."Kung ganyan kaseryoso ang Samaniego Group, bakit kami tatanggi? Ipapatawag ko agad ang legal team namin. Kung walang problema sa contract, we can sign it today."Isang mainit, puno ng pagmamahal at matagumpay na ngiti ang sumilay sa labi ni River. "Good."Wala namang masabi ang bagong assisant na si Raymond. Sa unang araw nito sa trabaho, narealize nitong ang corporate world, lalo na pagdating sa mga bilyonaryo ay isan
Read more