"Namatay sila sa loob ng Bilibid," kwento ni Paloma. "Si Rigor, nabaliw daw dun sa loob. Laging binubugbog ng mga mayor sa selda hanggang sa naging parang asong ulol. Isang gabi, bigla na lang daw natagpuang patay. Namatay sa matinding sakit at bugbog. Si Susana naman, nag-suicide. Hindi ko lang sinasabi sa'yo kasi alam kong mat-trauma ka na naman. Ayokong masaktan ka pag-uwi mo. Kaso, biglang umatake 'yung buang mong kapatid! Muntik ka na niyang patayin, sorry, Elo."Napahilot si Elowen sa kanyang sentido. "Paloma, hindi mo kasalanan. Salamat... salamat sa pag-intindi sa akin.""Sus, drama nito!" pagpapagaan ni Paloma ng usapan. "Pero infairness, kung hindi dahil kay River, baka nakaburol ka na ngayon. Grabe 'yung pagsalo niya ng saksak para sa'yo ah. So, paano mo pasasalamatan ang ex-husband mo?"Natahimik si Elowen. Muling pumasok sa isip niya ang imahe ng duguang kamay ni River na nakaharang sa dibdib niya. Napalunok siya para pigilan ang pag-iyak. "Hindi ko alam, Paloma. Sa totoo
Magbasa pa