Dahil hindi sinasagot ni River ang telepono nito, kay Mateo tumawag si Art. Pagkasagot na pagkasagot ni Mateo, dumagundong ang boses sa kabilang linya."SABIHIN MO KAY RIVER, UMUWI SIYA NGAYON DIN! BAGO KO PA SIYA IPAKALADKAD!"Dahil maysakit ang Lolo nila, si Art ang nagmamando sa bahay at pilit na pinapatunayan ang awtoridad nito. Ibinaba ni Mateo ang phone habang kinakabahang nagsalita. "Boss, pinapauwi kayo ng Daddy niyo.""Uuwi ako," kalmadong sagot ni River habang inaayos ang collar niya.Alam ni Mateo na isang malaking giyera ang sasalubong sa boss niya kapag umuwi ito. Akmang magsasalita sana siya para pigilan ito nang muling mag-ring ang cellphone niya.Unregistered number iyon kaya nag-aalangang sinagot iyon ni Mateo."Hello, kakausapin ko si Mr. River," isang boses ng lalaki ang nagsalita sa kabilang linya.Masakit na ang ulo ni Mateo at nai-stress na siya. "Busy po si Mr. Samaniego, wala siyang oras makipag-usap ngayon.” Pagkatapos ng kalahating segundo, isang malamig at
Magbasa pa