Sa murang isipan ng maliit na si Elara, wala itong kaide-ideya kung gaano kabigat ang sinabi nito. Para sa kanya, ang kasal ay simpleng eksena lang sa mga paborito nitong fairy tales, kung saan nagkakatuluyan ang prinsesa at prinsipe para maging masaya habambuhay.Kaya gusto nitong pakasalan ang handsome uncle na nasa harap nito.Kung magiging asawa niya ito, makakasama na nila ito ni Mommy sa iisang bahay. At kapag nangyari 'yon, wala nang bully sa school ang magsasabing wala silang lalaki sa pamilya!‘Hmph! Titingnan ko lang kung may mang-aaway pa sa'min ni Mommy kapag andito na si handsome uncle!’ isip ng inosenteng bata.Punong-puno ng pag-asang tiningnan ni Elara si River, kumpyansa ang munting prinsesa na walang sinuman ang makakatanggi sa ka-cute tan niya. Panigurado, papayag ang gwapong uncle na ito.At tama nga ang bata, dahan-dahang tumango si River at naglabas ng mahinang "Hmm," bilang pagsang-ayon.Ang totoo, gusto lang sakyan ni River ang trip ng bata. Ayaw niyang makita
続きを読む