Nasa taxi na pabalik ng hotel si Paloma nang matanggap niya ang SOS message ni Elowen.Pagkabasa ng text, literal na nanlamig ang buong katawan niya. Nanginginig ang mga kamay niyang dinial ang number ni Elowen.[The number you have dialed is either unattended or out of coverage area—]"Shit! Naka-off na 'yung phone!" naiiyak at natatarantang sigaw ni Paloma. Saktong-sakto, tumawag sa kanya ang kanyang nobyong si Hans. Kahit wala siyang balak kausapin ito, agad niyang sinagot ang tawag.Nasa isang VIP room sa BGC si Hans, umiinom kasama ng ilang bigating tao. Dahil bored, naisipan niyang tawagan si Paloma na ilang araw nang hindi nagpapakita."Oh? Himala at sumagot ka! Paloma, ang kapal ng mukha mong tumakas ha?! Saan ka nagsu-suot—""Manahimik ka, Hans!" matigas, nanginginig at seryosong sigaw ni Paloma. "Mamamatay na si Elowen. Nasa abroad ako! Puntahan mo siya sa villa ni River at iligtas mo siya ngayon din!"Natahimik ang kabilang linya."Makinig ka, nasa second floor siya. Pan
Read more