"Sa medical terms po, Mr. Samaniego, ang paggalaw niya ay isang sign ng paggising. Pero malayo pa po ito sa tuluyang pag-recover," seryosong paliwanag ng doktor kay River. "Kailangan niyo pong maghanda para sa isang mahabang observation period."May pawis pa sa noo si River dahil sa pagmamadali papunta sa VIP Hospital Room. Nang marinig ang sinabi ng doktor, dumilim ang mukha nito."Kung gano'n, kailan ang pinakamaagang oras na pwede siyang magising nang tuluyan?" mariing tanong niya.Umiling ang doktor. "Mahirap pong sabihin. Minsan inaabot ng taon bago sila tuluyang magising. May rare cases na ilang araw lang. Pero inuulit ko po, Mr. Samaniego, maghanda kayo sa mahabang paghihintay."Kumunot ang noo ni River, dahan-dahang tumango.Pagkaalis ng doktor, lumapit siya sa kama kung saan nakahiga si Beatrice. Suot nito ang hospital gown, namumutla ang mukha at mahimbing na nakapikit. Kahit may sakit, kitang-kita ang ganda at pagiging maamo ng mukha nito, ang inosenteng girl-next-door vibe
Read more