Pagkababa niya ng taxi sa harap ng nagtataasang building sa BGC, agad niyang inabot ang bayad sa driver. Medyo umaambong pa kung kaya’t napatakaip siya ng ulo. "Miss, sigurado po ba kayong okay lang kayo rito? Gabi na po, tapos mag-isa lang kayo. Mag-ingat po kayo ha," nag-aalalang sabi ng matandang driver, bakas ang awa sa mga mata nito.Ngumiti ng tipid si Elowen. "Okay lang po ako, Kuya. Maraming salamat po. Ingat din po sa biyahe."Pagtalikod niya, hindi niya alam na sa hindi kalayuan, isang itim na kotse ang nakaparada sa dilim. Sa loob nito, nakamasid ang dalawang pamilyar na pares ng mga mata."Boss, pumasok na po si Ma'am sa building," maingat na basag ni Mateo sa katahimikan. Sumulyap siya sa rearview mirror. "Susundan po ba natin at kakausapin?"Madilim ang ekspresyon ni River. Nakakuyom ang mga kamao nito habang nakatingin sa direksyon kung saan nawala si Elowen. "May mga dokumento pa akong kailangang pirmahan ngayong gabi. Kunin mo, aakyat tayo."Napabuntong-hininga na la
Read more