Para sa isang sandali, imbes na itaboy ito palayo, hinayaan ni Elowen na umasa sa balikat nito. Bumilis naman ang kilos ni Susanna nang makita si River, agad itong lumapit at pilit na inayos ang sitwasyon. "N-Naku, anong nangyayari rito? Itong si Elowen kasi... alam naman niyang mainit ang ulo ng Papa niya dahil sa problema sa kumpanya, sumasagot pa. 'Di ba pwedeng manahimik na lang siya?”Nanikip ang dibdib ni Elowen, at siya pa talaga ang may kasalanan? Handa na sanang sumigaw ulit pero mas naunang magsalita si River."Kung mananakit lang tayo ng tao dahil masama ang araw natin," malamig at may diing wika ni River. "Eh di sana hindi na nag-o-operate ang mga kulungan, hindi ba?"Natigilan si Susanna. Namula ang mukha nito sa hiya. Pilit itong tumawa ng alanganin. "A-Ah, sige na, sige na! Tama na ang init ng ulo. Handa na ang hapunan! Halina kayo, kumain na muna tayo bilang isang pamilya, tulad ng sabi niyo, idaan sa maayos na usapan.”Sabay tingin nito sa kapatid ni Elowen na si E
Read more