Mula sa madilim na bahagi ng parking lot, nakaparada ang isang itim na SUV. Sa loob nito, mahigpit na hawak ni Beatrice ang kanyang iPhone, nanlilisik ang mga mata habang nakatanaw sa dining area sa tabi ng lawa.Ilang metro lang ang layo mula sa kanya, nakaupo sina River at Elowen. Kahit tahimik lang silang kumakain at walang imik sa isa’t isa, hindi maitatanggi ang malakas na presensya ng dalawa. Mayroong natural na awtoridad at pagka-elegante si Elowen na kahit anong pilit ni Beatrice, alam niyang hinding-hindi niya mapapantayan. Sila ang mga taong pinanganak sa itaas, habang siya ay nagpupumilit lang na umahon mula sa putikan.Pero hindi siya papayag na matalo.“Kung anong meron ka, Elowen, kukunin ko. At sisiguraduhin kong mas higit pa ang makukuha ko!”Mariing kinagat ni Beatrice ang kanyang ibabang labi, nag-type ng isang mensahe sa isang unregistered number at ngumisi nang nakakakilabot."Maghintay ka lang, Elowen," bulong ni Beatrice sa hangin. "Ipapakita ko sa'yo kung anong
Read more