Buong araw, nilunod ni Elowen ang sarili sa trabaho, meeting dito, tawag doon, nag-revise ng proposal at follow-up sa kliyente nila. Mas madali kasing makipag-negotiate sa milyon-milyong kontrata kaysa makipag-usap sa mga taong sanay magsinungaling habang nakangiti pero pagsapit ng hapon, nagsimula na siyang makaramdam ng kakaiba.Parang mabigat ang ulo niya, sobrang init din ng katawan niya at kahit nakaupo siya para siyang pagod na pagod at hinihingal. Habang gumagawa siya ng sabaw pag-uwi niya ng gabi ilang beses siyang napahawak sa counter dahil nahihilo siya."Pagod lang 'to," bulong niya. "Konting tulog lang, okay na."Pero hindi siya umabot sa hapag-kainan pagkatapos maihain ang sabaw, bumigay na rin ang katawan niya.Tahimik siyang bumalik sa kuwarto, hindi na kumain, hindi na nagpalit at diretsong humiga sa kama.Nang gabing iyon, medyo late nang umuwi si River, pagpasok nito sa dining area, automatic nitong hinanap si Elowen. At nang hindi nito nakita ang asawa, bahagya i
Read more