Sa sandaling iyon, pinagdudahan niya kung totoong kadugo niya ang taong 'to. Anong klaseng ama ang ibebenta ang sariling anak sa isang grupo ng mga halang ang kaluluwa?!Nang magtama ang mga mata nila, pekeng umiyak si Rigor. "Elowen, anak... Pasensya na. Wala na akong choice eh. Kahit ibenta ko ang bahay natin, hindi sasapat. Pero ikaw... ang laki ng halaga mo sa kanila. Wag kang mag-alala, hindi makakalimutan ng Papa ang sakripisyo mo!"Walang lingon-lingon na tumakbo palabas ng bodega si Rigor.Naiwang nakatulala si Elowen doon, wala siyang maramdamang galit, kundi isang napakabigat at nakakadurog na pagkabigo.“Ganun lang 'yon? Ibinenta niya ang buhay ko para sa kalayaan niya?”Nasaan ang mga panahong pinapasan niya ako sa likod noong bata pa ako? Totoo ba ang mga panahong 'yon? O ilusyon ko lang?"Hala, umiiyak si little beauty. Mas lalo ka pa lang gumaganda kapag umiiyak ka," asar ng lalaking may peklat habang hinihimas ang baba niya.Doon lang natauhan si Elowen. Mabilis niyang
Read more