Gaya ng dati, nagluto si Elowen ng simpleng breakfast para kay Beatrice, kumain ng kaunti para sa sarili at nag-ayos na papasok sa trabaho.Saktong lalabas na siya nang biglang lumabas si Beatrice mula sa kwarto nito gamit ang electric wheelchair."Ate Elowen, papasok ka na?" inosenteng tanong ni Beatrice sa kanya."Oo. May kailangan ka?"Agad na nagpaawa effect na naman ang dalaga. "Sobrang boring kasi dito sa bahay eh. Pwede bang wag ka na lang munang pumasok? Samahan mo na lang ako dito."Nanliit ang mga mata ni Elowen. Alam talaga ng babaeng 'to kung paano siya aatakehin! Alam ni Beatrice na ang trabaho niya ang nag-iisang rason kung bakit siya kumikit. At ngayon, ginagamit nito ang excuse na alagaan ito para ipitin siya!Ngunit imbes na magalit, isang matamis na ngiti ang isinukli ni Elowen."Gusto ko sana, Beatrice," malambing na sagot ni Elowen. "Kaso, kapag masyado akong naboboring sa bahay, mahilig akong manood ng mga videos eh. Katulad ng mga CCTV footages… Alam mo, may mga
Read more