NEAH’S POVHindi ko iniwan si Liam kahit na gusto niyang iwan ko na lang siya. Hinding hindi ko gagawin yun sa kaniya. Wala siyang pagkukulang sa amin ni Kaiden dahil yung mga ginawa niya sa amin ng anak ko, sobra-sobra pa ang lahat ng yun.Maaga siyang nakatulog pagsapit ng gabi. Tinagawan ko naman si Dave at mabilis niya namang sinagot yun.“Hey, bakit gising ka pa?” Tanong niya sa akin. Nakaupo siya sa swivel chair niya at base sa surroundings niya, masasabi kong nasa loob pa siya ng opisina niya.“Hindi pa ako inaantok. How about you? Bakit nandyan ka pa sa loob ng office mo?” Tanong ko.“May mga tinatapos lang ako na report. Dapat maaga kang nagpapahinga para kapag may kailangan si Liam kapag nagising siya, nakapagpahinga na ang katawan mo.”“I’m fine, kaya ko pa naman ang sarili ko saka hindi naman nagigising si Liam kapag hating gabi at madaling araw. Pagod na pagod ang buong katawan niya kaya bumabawi yun. Gusto na ring makapagpahinga.” Sambit ko, napatango-tango naman siya.“
Leer más