NEAH’S POVNang magising ako ay napatingin ako kaagad sa taong nakatayo sa gilid ko. Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko dahil pagkatapos ng dalawang buwan, ngayon ko na lang ulit nakita si Cassandra.“Cas,” mahinang usal ko. Tipid naman siyang ngumiti sa akin.“I heard what happened. Kumusta ka na?” Nahihiya pa niyang tanong.“I’m fine,” sagot ko. Okay nga lang ba ako? Ang nagpapalakas na lang sa akin ay ang buhay akong nakabalik sa mag-ama ko. Maibabalik pa naman siguro ang mga kamay ko. What I mean is, maybe I would still be able to move my hands normally again.“I’m sorry for what I did to you before. Kababalik ko lang din ng bansa dahil gusto ko kayong bisitahin. Masyado lang akong kinain ng galit ko noon kaya nagawa kong ipahiya ka sa social media. I’m really sorry, Neah.” Nakokonsensya niyang wika. Tipid naman akong ngumiti. Ramdam ko naman ang pagsisisi niya.Mabuti pa siya at marunong tumanggap ng pagkakamali pero si Monica, baka mas piliin pa niyang mamatay bago ang tangg
Ler mais