NEAH’S POVPagkatapos naming magdinner kasama si Liam ay inihatid niya na rin kami sa bahay. Binuhat ko na si Kaiden at hinarap si Liam.“Thank you sa dinner, Liam. Uuwi ka na rin ba o didiretso ka sa hospital?”“Uuwi na muna ako para makapagpahinga. Bukas pa naman ulit ang duty ko.” Napatango ako.“Kung ganun, mag-iingat ka sa pagdadrive mo. Matulog ka na kaagad para naman makapagpahinga ang katawan mo. Alam kong masyadong nakakapagod ang trabaho mo.” Ngumiti siya saka ako hinalikan sa noo ganun din si Kaiden.“Good night, Neah. Good night, son.” Baling niya kay Kaiden.“Mag-iingat ka sa pagdadrive, daddy. I love you.” Malambing na sambit ng anak ko. Napangiti naman si Liam.“Oo naman, huwag kang magpapasaway sa mommy mo para makapagpahinga rin siya okay?”“Opo daddy, I promise po.”“Bye, Neah.” Tumango at ngumiti ako kay Liam. Tumalikod naman na ito at sumakay ng sasakyan niya. Nang mawala na siya sa paningin namin ay akma na sana akong papasok ng bahay ng mapansin ko ang isang sasa
Read more