Chapter 108Tahimik ang buong executive floor.Tanging tunog lamang ng pagta-type sa keyboard, pag-flip ng mga dokumento, at mahinang ugong ng air conditioner ang maririnig sa loob ng aking opisina.Abala ako sa pagrerepaso ng iba't ibang proposal, financial reports, at contracts na kailangang aprubahan bago matapos ang araw.Isa-isang kong binasa ang bawat pahina.May mga proposal na agad kong nilagdaan.May ilan namang ibinalik ko para sa revision dahil may mga detalye pang kailangang linawin.Bilang CEO, hindi puwedeng basta na lamang ako pumirma nang hindi nauunawaan ang bawat dokumentong dumaraan sa aking mesa.Samantala...Sa kabilang bahagi ng opisina, abala rin ang aking anak.Tahimik na nakaupo si Caleb sa sofa habang masayang kinukulayan ang dala niyang coloring book.Paminsan-minsan ay nagbabago siya ng kulay ng krayola, saka ngumingiti na tila tuwang-tuwa sa kanyang ginagawa.Minsan naman ay sumusulyap siya sa akin.Kapag nahuhuli ko ang kanyang tingin, nginingitian ko siy
Baca selengkapnya