Chapter 127 Naging maayos ang lahat. Masaya kaming nagsalo-salo sa hapunan, kasama ang aming mga bisita. Puno ng tawanan ang buong lugar, lalo na nang magsimulang magkuwentuhan sina Mommy, Dad, Princess, at Caleb. Panaka-naka rin ay napapatingin ako kay Cyrus. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang lalaking minahal ko noon... Ngayon ay nasa tabi ko ulit. At sa wakas, kumpleto na rin ang pamilya namin. Habang masaya ang lahat, biglang tumayo si Cyrus mula sa kanyang kinauupuan. Napatingin ako sa kanya. "Where are you going?" Ngumiti lamang siya. "Just wait." Naglakad siya patungo sa gitna ng venue. Pagdating doon, kumuha siya ng microphone. Unti-unting natahimik ang mga tao. Napakunot ang noo ko. "Cyrus?" Hindi siya sumagot. Sa halip, tumingin siya diretso sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Good evening, everyone." Masaya ngunit seryoso ang kanyang boses. "I know tonight is supposed to be about welcoming Althea's mother home." "To
Baca selengkapnya