Naalala ko ang unang mga araw ng bakasyon ko.Noon, hindi ko pa alam kung gaano kalaki ang magiging epekto sa akin ng pagkakasakit ni Drevin. Ang alam ko lamang, hindi maganda ang kalagayan niya, at hindi ko kayang basta na lang siyang pabayaan.Kahit ilang beses niyang sabihing kaya niyang alagaan ang sarili niya, nakita ko kung gaano siya nanghina. Nakita ko kung gaano kahirap para sa kaniya ang simpleng pagbangon sa kama. Narinig ko ang pag-ubo niya, nakita ko ang pagkapagod sa mukha niya, at nasaksihan ko kung paano niya piliting itago ang sakit na nararamdaman niya.Hindi ko kayang magkunwaring wala akong pakialam. Paano ko magagawa iyon? Paano ko tatalikuran ang isang taong mahal ko habang alam kong kailangan niya ng tulong?Hindi naman ako nagpunta roon dahil umaasa akong sa pamamagitan ng pag-aalaga ko ay bigla niya akong magugustuhan.O baka may bahagi sa akin na lihim na umaasa? Hindi ko na alam.Siguro, noong una, gusto ko lamang makasigurong magiging maayos siya. Gusto kon
Leer más