Tinawag din ako ng nurse makalipas ang ilang minuto.Sinamahan ako ni Belle hanggang sa clinic, ngunit nang papasok na ako, pinigilan ko siya."Dito ka na lang."Napatingin siya sa akin. "Ha?""Sa labas ka na maghintay.""Pero—""Belle."Natahimik siya. Tiningnan niya ako nang ilang segundo bago marahang tumango."Sige."Pumasok ako sa clinic nang mag-isa.Sa loob, kinumusta ako ng doktor at tinanong ang tungkol sa mga sintomas na nararamdaman ko. Sinabi kong mas maayos na ang paghinga ko at hindi na kasingdalas ang pag-ubo. Ipinaliwanag ko rin na unti-unti nang bumabalik ang lakas ko, bagaman madali pa rin akong mapagod.Sinuri niya ang mga resulta ng mga pagsusuri ko at nagbigay ng ilang paalala tungkol sa pahinga, gamot, pagkain, at mga gawaing kailangan ko munang iwasan.Wala namang bagong komplikasyon. Mabuti na lang.Kailangan ko pa ring mag-ingat, ngunit kung magpapatuloy ang paggaling ko, maaari na akong unti-unting bumalik sa normal kong gawain.Paglabas ko ng clinic, agad ak
Mehr lesen