Ganoon din siguro ang dapat kong ginagawa sa puso ko.Hindi ko kailangang maging maayos agad. Hindi ko kailangang gumising bukas na wala nang nararamdaman para kay Drevin. Hindi ko kailangang piliting maging masaya habang sariwa pa ang mga sugat.Ang kailangan ko lang ay gumawa ng maliliit na hakbang palayo sa nakasanayan kong pananakit sa sarili.Ngayong araw, hindi ko siya pinuntahan. Hindi ko siya tinawagan. Hindi ko siya minessage. At kahit ilang beses ko siyang naisip, hindi ko hinayaang ang bawat alaala ay maging dahilan upang tumayo ako at hanapin siya.Para sa iba, baka wala lang ang mga iyon. Pero para sa akin, malaking bagay na iyon.Matagal akong nasanay na ako ang unang lumalapit, ako ang nangangamusta, ako ang naghahanap ng paraan upang makausap siya kapag may hindi pagkakaunawaan, at ako ang nag-aalala kapag hindi ko siya nakikita o naririnig. Ngayon, sinusubukan kong huwag gawin ang lahat ng iyon—hindi dahil gusto kong parusahan siya, hindi dahil gusto kong subukin kung
Leer más