LOGINPara po sa nagrequest ng POV ni Nathan
Napakamot na lang sa kanyang ulo si Nathan. “Sobrang cheesy ba?”Tumatango-tango si Cielo habang nakangiti, halos mawalan na ng mata. Never niya kasing na-imagine na ang cold and ruthless Chairman and CEO ng JNQ Group of Companies ay korni at gumagamit ng pick-up lines. Nahinto lang sa pagtawa si Cielo nang dumating ang waiter na dala ang kanilang order. Mabilis siyang umusal ng panalangin at sinunggaban ang mainit na sabaw at noodles. Nilagyan pa niya ng chili sauce ang sabaw.“Darling, dahan-dahan. Hindi ka ba napapaso?” nag-aalalang paalala sa kanya ni Nathan.“Hindi mo kasi ako ginising ng lunch at dinner, gutom na gutom tuloy ako,” ngingiti-ngiting sabi ni Cielo.“I’ll take note of that. Sa susunod, gigisingin na kita,” seryosong sabi ni Nathan.“’Yung pagtulog ko lang ang susunod, ha? Ayaw ko na ng dagdag na family drama,” nakangiti niyang sabi.Tipid na napangiti si Nathan. Nagdoble-isip kung isasaboses ba ang naiisip na dapat harapin ng babae ang totoong ama.“Papa!” Nagulat
Pinapatulog na ni Nathan si Sky sa kama sa gitna nila ni Cielo nang magising ang babae. Tahimik niyang pinanonood ang pag-hum ni Nathan ng isang sikat na love song habang tinatapik-tapik ang maliit na pisngi ng puwet ng kanilang anak. Kanina ay siya ang kandong nito at hinahaplos- haplos ang kanyang likod hanggang sa napayapa ang kanyang puso’t isipan at nakatulog. May kung anong pag-init sa kanyang puso ang nadama. Naramdaman ni Nathan na may nakatitig sa kanya, kaya marahan niyang nilingon si Cielo. Nagtama ang kanilang paningin at tila nag-usap sila. Binalikan ng tingin ng lalaki ang ngayo’y natutulog na anak. Nang makitang himbing na ang bata, kinumutan niya ito. Mula sa pagkakahiga, naupo siya at inilapit ang mukha niya kay Cielo. “Nagluto si Nanay ng sopas. Gusto mo ipag-init kita?” Napatingin si Cielo sa digital clock, alas-nuwebe na ng gabi. “May malapit bang dimsum house dito? Gusto ko ng beef wanton noodles.” Napaisip si Nathan. “Ang alam ko may Chinese Restaurant sa ka
Nag-alala si Nathan sa tono ng pananalita ni Emilio. Kilala niya ang nakatatandang lalaki na maliksi at laging may ngiti sa labi. Isang dahilan kaya noong nilapitan siya nito at inalok na bumili ng shares ng fast food restaurant nito upang sagipin ang kanilang negosyo sa pagkalugi ay hindi niya ito tinanggihan. Forty percent ang inaalok sa kanya noon ng lalaki, pero hindi naman siya maalam sa food business kaya fifteen percent lamang ang binili niya at tinulungang ialok sa iba pang kakilala ang natirang 25%.Agad pinihit ni Nathan ang doorknob ng p***o sa pag-aalala kay Cielo. Umangat ang tingin ni Sister Lilibeth sa kanya at nang ibaba niya ang tingin, agad na nakita ang babaeng minamahal na nakayuko.Kumunot ang noo niya at lumapit sa gilid nito. “Mo Spéir?”Nagulat si Nathan nang hilain ni Cielo ang kanyang baywang at doon umiyak. Naiyakap niya ang kanyang dalawang braso sa katawan nito at saka naagaw ang kanyang pansin sa dalawang larawang nakalapag sa mesa. Agad niyang naintindiha
Sabay na napalingon sina Nathan at Cielo sa nightstand nang mag-ring ang cellphone ng babae. Pilyo pang kinubabawan ng lalaki si Cielo upang abutin ang cellphone ng huli, na tinatawanan lang ang panlalandi niya rito.Kumunot ang noo ni Nathan nang makita ang pangalan sa screen bago inabot ang phone kay Cielo. “Si Sister Anne.”Pati si Cielo ay nagtaka. “Wala bang report ang bodyguards?”Lumipat sa kabilang nightstand si Nathan at sinilip ang kanyang phone. Umiling siya kay Cielo.Sinagot ng babae ang tawag kasabay ng pag-usal ng tahimik na panalangin na sana ay walang nangyaring masama sa Santuario. Kahit kasi sinabi kagabi na walang nakitang foul play sa pagsabog ng transformer, hindi pa rin siya ganap na makampante.“Cielo, puwede ka raw bang pumarito ngayon, sabi ni Sister Lilibeth?” mahinahong tanong ni Sister Anne, ngunit napansin ni Cielo na tila may bumabagabag sa kausap na madre.“S-Sige po, Sister. May problema po ba?” nag-aalala pa niyang tanong.Napailing si Sister Anne na p
Pagkatapos mag-almusal, hinila ni Nathan si Cielo sa labas kung nasaan ang swimming pool at ang garden. Nilagpasan nila iyon at saka sila lumapit sa gilid kung saan tanaw na tanaw ang buong siyudad. “Ang ganda!” nakangiting sabi ni Cielo habang tinititigan ang skyline ng lungsod.“I knew you would love our penthouse,” bulong ni Nathan habang iniyayakap sa baywang ni Cielo ang kanyang mga braso.Bahagyang nilingon ni Cielo ang mukha ni Nathan na nakasiksik sa tabi ng mukha niya. “Ilan ba ang penthouse mo?”“Ito at yung sa tinirhan natin sa Escalade,” aniya.May naalala si Cielo, kaya kumunot ang noo niya. “Sinong inuuwi mo dito noong mga panahong hindi mo ako inuuwian sa gabi?”H******n ni Nathan ang pisngi ng babae bago siya nagsalita nang mahina. “Dito ako umuuwi noon kasi pagod na pagod na ako.""Hayun lang ang building natin ng JNQ," dagdag pa ni Nathan habang itinuturo kay Cielo ang building na halos katabi ng building ng penthouse. "Pero wala akong iniuuwing babae.”“Hindi ako na
Isang magaan na haplos sa kanyang ulo, kasunod ng pagdampi ng malambot na labi sa kanyang noo, ang gumising kay Cielo. Bubuksan na sana niya ang kanyang mga mata nang lumapat sa pisngi niya ang isang pamilyar na halik. Alam niyang si Sky ang huling humalik, kaya naisip niyang si Nathan ang una. Minabuti niyang magpanggap munang tulog.“Why is she not opening her eyes, Daddy?” aburidong tanong ni Sky sa ama. “Dati, isang kiss ko lang, nagigising na si Mommy."“Baka napagod nang husto ang mommy kahapon. Mamaya gisingin natin siya ulit,” paliwanag ni Nathan habang nakatayo sa gilid ng kama, habang nasa kabilang gilid naman ni Cielo si Sky na kagigising lang din.“But I’m hungry! I want to eat breakfast with her,” pag-angal ng bata.Napangiti si Nathan sa anak. “Do you have any suggestion para magising na si Mommy?”Napaisip sandali si Sky. “Yes!”“Okay, then do it!” nakangiting sabi ni Nathan sa anak.Umiling si Sky. “You should do it, Daddy.”Kumunot ang noo ni Nathan. Pigil din si Ciel
Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window
“Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo pa







