แชร์

Chapter 86

ผู้เขียน: Lilian Alexxis
last update วันที่เผยแพร่: 2026-07-21 21:13:56
Naagaw ang atensyon ng lahat sa loob ng coffee nook nang may mahinang katok sa p***o bago marahang bumukas. Sumilip sa p***o si Nitoy, ang bodyguard na in-assign ni Nathan para kay Sky, na bahagya pang yumukod sa kanila bilang paggalang. Kumunot ang noo ni Cielo, ngunit agad ding nawala nang biglang pumasok ang anak niya.

Sandaling natigilan ang bata nang makitang may mga taong hindi niya kilala roon. Pagkuwan ay ngumiti siya nang matamis. “Good morning po, ako po si Sky!”

Napangiti si Cielo,
Lilian Alexxis

Tahimik na po kayo?

| 5
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (1)
goodnovel comment avatar
Elvira Gesmundo
naku elias magpaalam ka muna sa tatay Ni sky .........
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 114

    Nagyaya na si Cielo na bumalik sa hotel nang mapansing pagod at inaantok na ang anak. Hirap na rin sila sa pagbitbit ng mga napamili. Mabuti na lamang, madali lang ang pag-commute sa Tokyo gamit ang subway. Hindi rin nahirapan ang mag-asawa dahil pareho silang nakakaintindi at kahit paano ay nakapagsasalita ng Japanese Language. Si Cielo ay nag-aral ng lengguwahe bilang paghahanda sa kanyang pagsali sa expo noon, habang si Nathan naman ay natuto dahil may mga kliyenteng Hapon.Pagkasayad ng likod ni Sky sa kama, mabilis na nakatulog ang bata. Pinatakan pa ni Nathan ng halik ang noo ng anak bago tinanggal ang suot na rubber shoes ng bata. Pinunasan muna ni Cielo ng wipes ang mukha ng anak, pati ang mga braso at kamay, bago binihisan ng pantulog para maginhawaan ang katawan. Lumabas naman si Nathan sa living room, nagbukas ng TV, at tiningnan kung may magandang movie. Nang may makitang magandang palabas, bumalik siya sa silid para yayain manood ang misis.“May magandang movie sa Click

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 113

    “Nate, ang sabi mo magbabakasyon tayo,” malumanay na saway ni Cielo sa kanyang mister na nasa katabing upuan dahil mula nang makalipad ang private plane ng JNQ Group of Companies ay hindi na rin tumigil sa pagbabasa sa kanyang laptop ang lalaki.Inakbayan siya ng lalaki at saka pinatakan ng halik ang kanyang sentido. “Tapusin ko lang basahin itong mga contract and proposal.”“Sana tinapos mo muna ang mga iyan,” mahinang sabi ni Cielo.“I’m sorry, Darling. Kapag hindi ko kasi ni-review ang mga ito, hindi na ako papayagan ni Nora sa susunod na magbakasyon nang biglaan,” paliwanag ni Nathan. “At ayaw ko rin namang natatambakan ng trabaho.”Tiningnan ni Nathan ang natutulog na anak na kalong-kalong ng kanyang misis. “Nangangawit ka na ba?”Umiling si Cielo. “Okay lang.” “May room sa likod. Puwede kayong mahiga doon.”“Dito lang kami sa tabi mo,” ani Cielo na pumikit na rin lang. Komportable naman ang upuan nila dahil kasinglaki iyon ng reclining chair, kaya hindi nakakangawit kahit na

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 112

    Bahagyang nagulat si Michelle. Saka niya napagtanto na kaya pala pamilyar ang mukha ng lalaki dahil CEO ito ng pinakasikat na fast food chain sa bansa. Mabilis niyang tinawagan ang lokal na numero ng opisina ng kanilang general manager. Iyon kasi ang SOP nila, na kapag may VIP na dumating, kailangang ipaalam kay Ross.Sekretarya ni Ross ang nakasagot na agad na nataranta sa nalaman. Mabilis siyang tumakbo patungo sa production site. Inabutan niyang nasa ilalim ng bay sina Cielo at Ross habang sinisipat ang ilalim ng binubuong sasakyan.“Sir, nasa lobby daw po si Mr. Elijah King,” medyo may kalakasan nitong sabi.Bahagyang kumunot ang noo ni Cielo sa narinig na pangalan. Mabilis namang umakyat si Ross. “CEO of King Chomps?”Tumango ang sekretarya. “Yes, Sir.”“Ano raw ang sadya?”Tiningnan muna ng sekretarya ni Ross si Cielo na busy pa rin sa ginagawa sa ilalim ng bay. “Si Ma’am daw po ang hinahanap.”Nagsalubong ang kilay ni Ross. Naglakad siya palayo sa kaibigan at sekretarya bago ti

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 111

    Nag-aabang na sa production site si Ross nang dumating si Cielo na nakasuot din ng asul na coverall uniform ng mga mekaniko at production staff. Pareho silang nakasuot ng puting hard hat dahil iyon ang color code nilang mga engineer sa site, habang ang mga nasa mas mababang posisyon ay nakasuot ng dilaw na hard hat.Bumaba sa production site si Ross upang masigurong kikilos nang maayos ang bawat empleyado at susundin ang anumang iuutos ni Cielo, lalo na at nagsimula nang kumalat ang iba’t ibang bersyon ng tsismis mula sa nakita ng iilang empleyado kanina.At bilang kaibigan ni Cielo at nakinabang sa relasyong mayroon sila noon, hindi papayag si Ross na madungisan ang pangalan ng babaeng sa tingin niya ay dahilan kung bakit siya inalok ni Nathan ng trabaho noon. Noong ipinaalam niya sa kanyang boss ang tungkol sa thesis ni Cielo, inakala niya na lubha lamang humanga ang lalaki sa talino at ganda ng kanyang kaibigan. Ngunit kahapon, nang ipatawag siya sa penthouse ng CEO para magbigay n

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 110

    Isang matunog na halik sa kanyang pisngi ang gumising kay Cielo. Napangiti siya dahil alam na alam niya kung sino iyon.“Good morning, Mommy!” “Good morning, Bubba!” nakapikit pa niyang sagot.“Mommy, can I come with you and Daddy to work today?” malambing na tanong ng bata, na naupo pa sa kanyang tiyan at saka niyakap siya.Inaantok siyang ginantihan ng yakap ang anak. “Let’s ask Daddy if that’s okay.”Muling naupo si Sky at napakamot ng ulo. “Sabi ni Daddy tanungin kita.”Bumukas ang p***o at nagulat si Nathan sa pagkakaupo ni Sky sa tiyan ni Cielo. Sumuot naman sa ilong ng babae ang amoy ng sinangag at tapa. Biglang kumulo ang kanyang tiyan. Napilitan na rin siyang buksan ang mga mata. “Sky, huwag mong upuan si Mommy tiyan. Mabigat ka na, anak,” malumanay na saway ni Nathan sa bata habang inilalapag sa mesang bilog na pandalawahan ang tray ng pagkain at mug ng kape.“Pero Daddy, kaya naman ako ni Mommy,” katwiran ni Sky.Tinitigan niya ang bata bago lumapit sa paanan ng kama. Ulo

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 109

    Hinihingal pa sila ni Cielo nang kuhanin ni Nathan ang shower head bago binuksan para hugasan ang kani-kanilang kaselanan. Hindi na niya sinabon at tinanggal lang talaga niya ang mga katas.Pagkuwan ay lumabas ang lalaki sa shower area para punasan ang katawan bago isinunod na pinunasan ang katawan ni Cielo. Nagpalit pa siya ng tuwalyang tuyo at ibinalot sa katawan ng asawa dahil naisip niya na baka ginawin ang babae paglabas ng banyo dahil bukas na ang aircon sa silid. Lihim na kinilig si Cielo sa ginawa ng lalaki. Napansin na niya ang gawi nito noon pa na nililinis siya pagkatapos nilang magniig kahit pa nakatulog na siya sa sobrang pagod dahil nagigising siya na malinis ang kaselanan at madalas na may suot nang T-Shirt ng lalaki.Napahiyaw si Cielo nang buhatin siya ni Nathan at inilapag sa kama. Tatayo sana siya para kumuha ng pantulog sa built-in cabinet, pero itinulak siya nito para mahiga muli.“We’re not yet done, Darling,” halos pabuong nitong sabi, bago isinubsob ang mukha s

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 02

    Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 01

    Mabilis na lumambitin sa leeg ni Cielo ang kanyang mahigit tatlong taong gulang na anak na lalaki nang huminto sa lobby ng malaking mall ang sinasakyan nilang EV Taxi. Isang yakap na mahigpit at isang matunog na halik na agad nagpalakas ng kanyang loob. Ilang bagay na nagpapaalala kay Cielo kung ga

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 06 

    Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 05

    Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status