ELARA’S POV Sa mga yakap niya, unti-unting humupa ang luha at galit ko. Pero alam ko—hindi pa talaga buo ang tiwala ko. Kahit sabihin kong maniniwala na ako, nandoon pa rin 'yung kaba sa dibdib ko, 'yung takot na baka pinapaniwala lang niya ako para tumahimik ako. "Love, please, ayoko ng ganito tayo. kalakasal pa lang natin, eh. Ako, gusto ko, masaya lang tayo palagi. Hindi ako gagawa ng mga bagay na makakasakit sa 'yo," Parang nababasa niya 'yung isip ko, kaya naman dahan-dahan niya akong hinila palapit, papunta sa kwarto. Hindi siya nagsalita nang kung anu-ano pa, pero ramdam ko sa bawat hawak niya na gusto niyang iparamdam sa akin na akin lang siya—na sa akin lang siya bumabalik. Nang makarating kami sa kwarto, dahan-dahan niya akong hinalikan. Sa umpisa malambing lang, parang sinusubukan kung okay lang ba sa akin. Totoo namang yung mga halik niya, hindi ko kayang tanggihan yon. Nang sumagot ako sa halik niya, doon niya mas hinigpitan ang yakap at naging mas mainit ang bawat
Read more