Kelly’s POVWala na akong ibang mapupuntahan. Wala na. Sobra-sobra ko na siyang nasaktan. Wala ng kapatawaran ang kasalanan ko. She doesn’t deserve me anymore!Sa isip ko, pagkatapos ng lahat ng nangyari, wala na akong babalikan. Wala nang tatanggap sa akin bukod kay Elisse. Kaya doon ako dumiretso — sa condo niya. Pagbukas niya ng pinto, nakita niya akong bitbit ang bag, pagod, lugmok, parang basag na basag ang pagkatao ko. Pero hindi niya ako tinanong kung bakit. Hinayaan niya akong pumasok, niyakap niya ako nang mahigpit, at tinanggap ako nang buong puso."Alam kong darating ang oras na ito, kelly. Huwag kang mag-alala... Nandito ako," sabi niya.Salamat sa kanya, dahil sa sandaling iyon, siya lang ang may bahagi sa akin. Pero sa kabila ng pagtanggap niya, alam ko sa sarili ko — nawala na ang lahat. Nawala ko ang tiwala, nawala ko ang respeto, at halos nawala ko na rin ang dignidad ko. Kinabukasan, akala ko wala na akong pupuntahan sa opisina. Tanggap ko na na babawiin din kaagad
Read more