Elara’s POVIsang umaga, tahimik lang kaming kumakain ng almusal. Mainit pa ang kape, mabango ang nilutong sinangag, at sa labas ng bintana, payapa ang bukid na nasisinagan ng araw. For a moment, everything felt normal. Parang sa wakas, nakahanap na rin kami ng kapayapaan dito—malayo sa ingay ng Maynila, malayo sa gulo ng nakaraan. Pero parang hindi yata kami nakatakdang magkaroon ng tunay na katahimikan.Biglang may malakas at matigas na katok sa pinto. Hindi yung katok ng kapitbahay na bumabati ng magandang umaga. Iba yung katok, mabilis, may diin, parang may dalang bigat na agad nagpatigil sa akin sa pagnguya.Tumayo agad si Kelly, mukhang nagtataka. “Ako na, Elara. Huwag kang mag-alala.”Pagbukas niya ng pinto, nanlaki ang mata ko. Dalawang pulis ang nakatayo sa labas, naka-uniporme, seryoso ang mukha. May hawak silang nakatuping papel na may tatak ng korte. Dahan-dahan akong lumapit, ang dibdib ko ay parang pinipiga ng kaba.“Magandang umaga po! Si Kelly Torres po ba kayo?” tanon
Read more