Scarlet POVMaaga akong nagising dahil kay Kian. Naririnig ko ang pagsusuka niya sa loob ng banyo, kaya inis kong tinakpan ng unan ang mukha ko. Gusto ko pang matulog, pero ang ingay ng kasama ko.Lalo lang akong naurat nang bigla na lang nag-ring ang phone ko. Pagkaabot ko rito, si Mommy pala ang tumatawag.“Hello, Mom? Napatawag ka?” inaantok at tamad kong sagot.“Kailan ka uuwi rito sa bahay? Diyaan ka na lang ba talaga titira sa mansiyon ng mga Averoné, Scarlet?”Inis naman akong napaupo sa kama at napasabunot sa magulo kong buhok.“Huwag kang mag-alala, Mom, uuwi rin naman ako riyan. Siguro sa Saturday na lang,” matabang kong sagot.“Ay, dapat lang na umuwi-uwi ka rin paminsan-minsan, anak. Hindi ka pa nga pinapakasalan ni Kian, tapos nagpabahay ka na agad. Paano kung magsawa sa ’yo ang fiancé mo dahil nag-live in na kayo?”Napabuga ako ng hangin dahil sa inis.“Mom, kahit naman hindi pa kami nag-live in, ginagawa na namin ang mga bagay na ginagawa ng mag-asawa. Matagal na. Kung
Magbasa pa