Hindi ko pa man natatapos ang pangalawang kantang napili ko, ako na mismo ang sumuko sa sarili kong boses. Napasilip ako sa mukha ng asawa ko na nananatiling nakayakap sa akin.“May problema ba?” usisa niya habang bahagyang inilalayo ang mukha sa akin.“Hindi ba masakit sa tainga ang tono ng boses ko?”Hinawi niya ang naliligaw na hibla ng buhok sa mukha ko. “Ang ganda ng boses mo, Jane. Bakit mo sinasabing sintunado ka?” aniya na may seryosong mukha.“Asus. Huwag ka nang magsinungaling, Aviv. Pangit talaga ang boses ko, wala sa tono,” giit ko. “Hindi mo na kailangang magsinungaling para lang hindi ako ma-offend. Matagal ko nang tanggap na I am terrible at singing,” dagdag ko.Napapailing siya. “Hindi mo ba naririnig ang sarili mong boses?”Napakunot ang noo ko.“Maganda ang boses mo. Hindi ako nagsisinungaling. May mga flat notes ka lang, pero madali lang naman iyong ayusin kung may magta-train sa 'yo na kumanta,” litanya niya.Napanguso ako. 'Yung mukha ko, naka-‘Weh, 'di nga?’ look
Magbasa pa