Ang mga salitang iyon ang ayaw kong marinig sa ngayon. Para bang may kung sinong biglang kumurot sa puso ko at iniwan doon ang matinding kirot.Pero sa gitna ng paninikip ng dibdib ko, habang pinagmamasdan ang nakakairitang ngisi sa mukha ng ex-fiancé ko, biglang sumagi sa isip ko ang ipinangako ko sa sarili habang nasa banyo ako kanina.'I-enjoy mo lang ang lahat habang ikaw pa ang asawa niya.'Tahimik akong huminga nang malalim.Inayos ko ang tayo ko, pinilit kong palitan ng kumpiyansa ang panginginig ng katawan ko, saka itinaas ang baba at binigyan si Kian ng matamis pero mapang-asar na ngiti.“Kung mapapalitan man ako balang araw, Kian, hindi mo na problema iyon,” agad kong sagot habang deretso ang tingin sa mga mata niya. “Pero sa ngayon, habang nakatayo ako sa harap mo, ako pa rin ang asawa ng tiyuhin mo. Ako ang legal wife, at si Madison ang nakaraan. Kung iniisip mong natatakot akong palitan ni Aviv, nagkakamali ka.”Bahagya akong ngumiti bago ipinagpatuloy ang gusto kong sabi
Read more