Jane POV“Jane, tanggapin mo ito,” halos pabulong na sabi ni Mommy nang makalapit siya sa akin.Patago siyang may iniabot na kung ano sa kamay ko habang nakasandal ako sa gilid.“Ano ’to, Ma?” kunot-noong tanong ko pagkakita ko sa maliit na garapon na ibinigay niya sa akin.“Gamot iyan na ibinigay sa akin ni Ellen. Nakakatulong daw iyan para maging healthy ang matris mo,” sagot niya na may kasama pang makahulugang kindat.Napangiwi ako nang bahagya kong buksan at silipin ang loob niyon. May mga tuyong halamang gamot at kakaibang mga ugat sa loob, at grabe ang tapang ng kakaibang amoy na agad sumalubong sa ilong ko.“Mommy naman, eh. I don't need this. This time, ibang manggagamot o kung sinong eksperto na naman ba ang pinuntahan ninyo para lang makahingi ng ganitong klaseng gamot?” reklamo ko sabay pilit na ibinalik sa kaniya ang garapon, pero mabilis niyang itinulak ang kamay ko pabalik.“Anong hiningi? Binili ko iyan, no! Ang mahal kaya ng halaga niyan. Pero siyempre, alam ko naman
Magbasa pa