Jane POVMabilis niyang ibinaba sa sahig ang dala niyang briefcase bago lumapit sa akin para pilit na agawin ang tsokolate sa kamay ko. Siyempre, ayaw kong magpatalo. Tumatawa akong inilayo ang kamay ko, pero sa isang mabilis at maingat na galaw, hinawakan niya ang baywang ko at marahan akong hinila palapit sa kaniya.Bago pa man maabot ng malaki niyang kamay ang hawak kong tsokolate, mabilis kong ibinaluktot ang braso ko at isinubo sa kaniya ang natitirang bahagi nito.Natigilan siya.Bahagyang nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa akin, tila hindi makapaniwala sa kakulitan ko.Napangiti ako naman at agad kong hinawakan ang panga niya gamit ang dalawa kong kamay at marahang iginalaw iyon na para bang tinutulungan ko siyang nguyain ang tsokolate.“Ayan, kainin mo. Ang sarap, 'di ba?”Ramdam ko ang marahan niyang paglunok.“Oh, isa pang kagat,” biro ko habang itinataas ang isa pang chocolate bar na mabilis ko ring binalatan.Akala ko ay aayawan niya iyon o itutulak niya ang kam
Magbasa pa