Jane POVNagsimula akong magpumiglas mula sa pagkakahawak niya, pero sa halip na bitawan niya ako, lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Bitawan mo ako,” may bahagyang diing utos ko sa kaniya. “Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung anong problema,” malumanay pero may awtoridad niyang wika. “Wala. Wala akong problema. Pagod lang ako,” pagsisinungaling ko. Nanatiling mababa ang boses ko kahit punong-puno ng yamot at matinding selos ang dibdib ko. Hindi ko aaminin sa kaniya na nagseselos ako kay Madison. Ayokong malaman niya kung gaano ako naaapektuhan, dahil kapag inamin ko iyon, para ko na ring inaming tuluyan na akong nahulog sa kaniya, gayong hindi pa naman ganoon katagal mula nang magsama kami. “Bitaw na... bitawan mo na ako, Aviv,” pakiusap ko, malamig pero may bahagyang diin sa bawat salita. Pero sa halip na bitawan niya ako, mabilis niya akong hinila palapit sa kaniya. Bahagya iyong may kalakasan kaya napasinghap ako nang mapadikit an
Read more