LOGINKian POV Pagkalabas namin ni Madison sa security control room, akala ko ay papaalisin niya na ako para makapagpahinga na rin siya. Alam kong masama pa rin ang tiyan niya hanggang ngayon at kailangan niyang bumalik sa suite room. Pero sa halip na magpahinga, hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patungo sa ikalawang palapag ng grand hall, sa nakatagong VIP balcony na direktang nakadungaw sa buong ballroom. Habang hawak niya ang kamay ko, napilitan akong sumunod sa paghila niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa malambot niyang kamay na nakahawak sa pulso ko. At, hindi ko rin maiwasang mapangiti nang palihim habang patuloy niya akong hinihila. Ewan ko ba. Sa tuwing nagkakadikit lang ang balat namin, parang may kung anong sumasabog sa dibdib ko. Maybe this is lust, pero kung lìbog lang talaga ito, bakit hindi naman sumasagi sa isip ko na gusto kong may mangyari sa aming dalawa? Unlike kapag may kasama akong ibang babae, iyon talaga ang nasa isip ko. Sex. Marahil, dahil na
Kian POVNakatayo ako sa likod ng upuan ni Madison habang pareho kaming nakatutok sa mga monitor ng security control room ng hotel. Tahimik ang buong silid, maliban sa mahinang ugong ng aircon at sa paulit-ulit na pag-click ng mouse mula sa Head of Security na katabi namin.Inihilig ni Madison ang likod sa swivel chair. Bahagya pa ring namumutla ang mukha niya dahil sa nangyari sa tiyan niya kanina, pero ibang-iba na ang kaniyang mga mata ngayon, nag-aalab na ito sa matinding poot at panggigigil.“I-rewind mo pa nang kaunti,” malamig at walang kagatol-gatol na utos ni Madison sa security staff. “I-focus mo doon sa may kitchen pantry, kung saan lumalabas ang mga waiter na may hawak na tray ng mga inumin.”“Opo, Ma’am,” mabilis na sagot ng staff bago agad na ibinalik ang footage sa eksaktong oras na tinutukoy ni Madison.Nang mag-play ang video, kitang-kita sa malinaw na high-definition na kuha ng CCTV ang mga sumunod na pangyayari.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng van, hindi na nag-atubili si Aviv na tanggalin ang mga butones ng kaniyang polo habang hingal na hingal at hinahapong nakasandal sa leather seat. Mas lalo pa siyang pinagpapawisan nang malamig, pero nag-aapoy sa init ang kaniyang balat.“Didiretso na ba tayo sa ospital?” hindi ko maiwasang mag-hysterical habang nakatitig sa kalagayan niya.“No…” agad niyang tanggi sa mababa at baritonong boses. “Tulungan mo na lang akong hubarìn ang damit ko…”Agad naman akong kumilos. Sa kabila ng kaba at panginginig ng mga kamay ko, tinulungan ko siyang tuluyang maalis ang kaniyang polo. Nang mahubàd ito, bigla niya akong hinila palapit sa kaniya. Napalapat ang dalawang palad ko sa kaniyang malapad at bahagyang malagkit na dibdib. Napatitig ako sa kaniyang mukha at sinalubong ang kaniyang mapanglamong mga mata na tila gustong-gusto na akong kainin nang buo.“I n-need you, wife…” halos pabulong pero may panggigi
Jane POVTahimik akong nakikinig at nagbibigay ng maikling ngiti sa tila walang katapusang paglapit ng mga bisita para bumati sa amin ni Aviv.Ano ba naman ’to? Ganito ba talaga kapag annual gala ng mga mayayaman? Grabe, nakakapagod. Pati pisngi ko parang namamanhid na rin sa kakangiti sa mga lumalapit sa amin, tapos sabayan pa ng pagod ng mga binti ko dahil sa katatayo. Ilang beses na rin akong napapaisip kung kailan ba kami makakaupo nang maayos.Nang tuluyan nang makalayo ang huling grupo ng mga bisita, halos mapabuntong-hininga ako sa ginhawa. Nagdasal na talaga ako na sana wala nang lumapit sa amin dahil pagod na pagod na ako—pagod kakangiti, kakatayo, at kaka-English!Yayain ko na sana ang asawa ko na pumunta muna kami sa may gilid para kahit saglit ay makaupo ako, pero naramdaman ko ang bahagyang pagbigat ng kaniyang braso sa baywang ko at napahigpit ang kapit nito.Nilingon ko siya at agad akong napatitig sa mukha niya. Kanina lam
“Sandali lang, Madison! Putangìna naman! Bakit kasi may corset ka pang suot?!” hindi ko na mapigilang magmura habang nakabuntot sa kaniyang likuran. Gamit ang buong lakas ng dalawa kong kamay, pilit kong binubunot at hinihila ang tali ng suot niyang corset habang patuloy kaming naglalakad.Nahihirapan na rin nang husto si Madison. Napapakapit na lamang siya sa pader ng hallway habang ako naman ay nasa likuran niya, halos nakadikit na ang dibdib ko sa likod niya. Paulit-ulit kong hinihila pataas at pababa ang matigas na tali ng corset.Pero sa gitna ng matinding pakikipaglaban namin sa oras, biglang natigilan ang isang may-edad na mag-asawa na kakalabas lamang sa kabilang kwarto.Nasa likod ako ni Madison, nakadikit ang kaniyang puwétan sa'kin, habang buong lakas kong hinihila ang tali ng corset. Samantala, si Madison naman ay panay ang ungol at daing dahil sa matinding sakit ng tiyan.“Ah! Ouch! Kian, bilisan mo! Lalabas na! Harder! Make
Kian POVSinundan ko naman ng tingin ang lalaki patungo sa kinaroroonan nina Jane at ni Uncle Aviv.Hindi ko naman talaga alam kung ano ang balak ni Madison nang yayain niya akong sumunod sa kaniya ngayong gabi. Ang alam ko lang, sinabi niyang may mahalaga siyang sasabihin sa akin at kailangan daw naming makapag-usap nang walang ibang nakikialam.At nagustuhan ko ang plano niya.Gusto kong mapag-isa si Jane para makapag-usap kami nang kami lang, at mukhang ganoon din ang gusto ni Madison kay Uncle. Ang pinagkaiba lang, siya mismo ang naghanda ng paraan para maisakatuparan iyon bago pa man niya ako isali sa plano.Kaya nang malaman kong may inihanda na siyang paraan para mapalapit kay Uncle Aviv at mailayo ito sa mga tao, agad kong naisip na baka ito na ang pagkakataong hinihintay ko para masolo si Jane.Napangisi ako habang nakatitig sa kinaroroonan ng dalawa. Sa tabi ko naman ay kalmado lamang na umiinom ng wine si Madison. Kahi
LORENZO GRAND HOTEL 6:00 P.M. “Wala pa ba si Kian?” boses ni Mommy, bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ang groom. Kanina pa kami naghihintay sa kanya pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kapansin-pansin na rin ang inip ng mga bisitang naririto sa loob ng
Akala ng mga kakilala ko ay maswerte ako dahil ipinanganak akong mayaman, pero hindi nila alam na isa lamang akong ampon at ang nag-ampon sa akin ay ginawa lamang akong collateral sa mga utang nila sa mga magulang ni Kian.Si Daddy na sugapa sa sugal. Si Mommy na maluho at mahilig mag-travel. Wala
Isang matangkad na lalaki ang makikita sa hindi kalayuan. Nakasuot siya ng charcoal overcoat. Anino pa lang nito ay bakas na ang awtoridad at panganib. Nanlaki ang mga mata ko noong hubarin ng lalaki ang suot niyang overcoat at tumambad ang dalawang baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran. Marahan
Jane's POV Umuulan habang tinatahak ko ang daan papunta sa charity gala ng mga Averoné. Dumaan ako sa isang liblib na shortcut dahil pinagmamadali na ako ng boyfriend ko na makarating kaagad sa destinasyon. Ito ang huling gabi na dadalo ako sa isang magarbong event na hindi pa ako kasal. Dahil buk







