Aviv POV “Ang tigas talaga ng ulo mo, 'no?” komento ko nang basta na lang siyang naupo sa upuan na nasa harapan ng mesa ko. Napangiti siya, isang matamis na ngiting halatang sinasadya akong asarin bago niya binuklat ang librong napili niya. “Oo, matigas talaga ang ulo ko. Kasing tigas ng burát mo kapag galit na galit,” sagot niya nang walang preno, dahilan para bahagyang mapaawang ang bibig ko. “Aba'y...” Napailing ako, nanggigigil sa kaniya. Hindi dahil sa inis, kundi dahil sa sobrang kapilyahan niya. Napahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko sa ilalim ng mesa. Kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko. Ayaw kong mahalata niyang patay na patay ako sa kaniya. “Aba'y ano, Mr. Averoné?” pang-aasar niyang tanong. Muli kong isinuot ang malamig kong ekspresyon bago ibinaba ang hawak kong papeles. “Doon ka maupo,” turo ko sa sofa na bahagyang nakalayo sa mesa. “I can't concentrate on reviewing these contracts.” Hindi naman siya nakinig. Napairap lang siya sa akin bago muling ibinal
Read more